Breaking News

Latest Activities

Reviews

Kapighatian sa Likod ng Ulan

Ang mga musika ng patak ng ulan,
bigat sa aking utak at nararamdaman.
Bakit may gayong mga kapighatian,
sa likod ng aking mga nalalaman?

Isipa'y may gabundok na minimithi,
sa pusong may ibang nililimi.
Bakit may gayong pagdidili-dili,
sa puso't-isipang magkaiba ang sidhi?

Photo from My Gossip
Kapighatian sa likod ng ulan,
naghahangad puso'y magkaroon ng kalayaan,
Bakit ba't ang puso'y madaling mabihag,
ng mga maka-mundong pagliliyag?

Ang mga musika ng patak ng ulan,
ginhawa rin sa sandali ng kapighatian.
Sino ang may tiwalang ito'y naglulan,
sa kamay ng Amang makapangyarihan?

Puso't-isipa'y dagling nagkaintindihan,
sa pag-hupa ng ula'y, nagkaunawaan.
Paano maihahambing ang kataas-taasan,
sa pagbibigay-sigla na walang hanggan?


25Jul1999 @ 0330a.

1 comment:

  1. there's a rainbow always after the rain...

    ReplyDelete

Share a space of your lane...

Enter your e-mail to receive updates from RunningAtom

Subscribe to RunningAtom

Fitness

Health

The Other Side of my Cerebro

Poetry

Short Story

Technology

Contact Form

Name

Email *

Message *

Designed By Blogger Templates